Ayon kay Castelo, sa ganitong paraan umano ay maaring maiwasan ang pagkawala ng buhay at mga ari-arian.
Hinikayat din ng kongresista ang lahat ng ahensiya ng gobyerno tulad ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), DILG at NDRRMC na magkakasabay na umaksyon.
Mahalaga umanong matukoy kung anong mga gusali ang maaaring gumuho sa sandaling dumating na ang pinangangambahang “big one.”
Nauna nang naghain si Castelo ng joint resolution na naglalayong magtatag ng dalawan team na magsasagawa ng initial inventory at audit ng government building at iba pang imprastraktura para mag-assess ng structural integrity.
Kabilang umano sa unang team ay binubuo ng auditors mula sa COA at representative mula sa Philippine Institute of Certified Public Accountants, miyemro ng Kongreso, engineers mula sa ahensiya ng gobyerno at mula sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE), at representative mull sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Sila umano ang susuri sa mga iregularidad at magbibigay ng signal kung may graft and corruption sa paggawa ng gusali at kung potensyal substandard ang ginamit sa konstruksyon.