Sinabi nito na hindi ngayon ang tamang oras para sa sisihahan at panagutin ang mga responsableng opisyal partikular sa bayan ng Porac sa Pampanga kung saan matatagpuan ang gumuhong Chuzon Supermarket.
Ayon kay Speaker GMA, ang prayoridad ay kumpletuhin ang rescue at relief operations, bigyan ng atensyong medikal ang mga nasugatan at funeral requirements para sa mga namatay gayundin ang pagpapakain sa mga residenteng lumikas.
Samantala, patuloy naman aniya ang pagbuhos ng tulong mula sa public at private sector sa mga taga-Pampanga na lubhang apektado ng lindol.
Nag-deploy na rin aniya ng construction team ang Meralco habang ang ilang grupo ay nagbigay ng generator sets at floodlights at ang Philex Mining Corporation ay tumulong sa clearing operation ng mga gumuhong gusali.
Makikipag-ugnayan naman si Arroyo sa Philippine Disaster Response Foundation para sa iba pang pangangailangan.