Mga empleyado ng Senado, balik-trabaho na sa Miyerkules – Recto

Balik-trabaho na ang mga empleyado ng Senado sa araw ng Miyerkules (April 24).

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ito ay matapos matiyak na ligtas ang gusali ng Senado kasunod ng tumamang 6.1 magnitude na lindol sa Luzon.

Si Recto ang nagsisilbing officer-in-charge sa Senado habang nasa ibang bansa si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Matatandaang agad nagsuspinde ng pasok si Recto sa Senado matapos yumanig ang malakas na lindol Lunes ng hapon hanggang sa araw ng Martes.

Apektado ng lindol ang ilang parte ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Read more...