WATCH: 2nd distrito ng Pampanga, tanging isasailalim sa state of calamity

DPWH Photo

Nilinaw ni Pampanga Governor Lilia Pineda na tanging ikalawang distrito lamang at hindi ang buong Pampanga ang isasailalim sa state of calamity.

Ayon kay Pineda, base sa mga napag-usapan ng mga abogado o mga legal counsel, magdedeklara ng state of calamity sa ikalawang distrito lamang.

Wala naman kasi aniyang naiulat na pinsala sa first, third at fourth district.

Matatandaang unang inanunsiyo ng Pampanga Provincial Legislative Board na buong Pampanga ang isasailalim sa state of calamity matapos ang magnitude 6.1 na lindol, Lunes ng hapon.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Pineda:

Read more...