WATCH: Gastusin sa mga nasugatan sa lindol sa Pampanga, sagot ng pamahalaan – Duque

Aakuin na ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapagamot sa 102 katao na nasugatan dahil sa lindol sa Pampanga, Lunes ng hapon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sagot na ng Philhealth ang medical expenses.

Base sa talaan ng Department of Health (DOH), 75 na sugatan ang dinala sa Jose Songco District Hospital, 21 sa Romana Pangan District Hospital at 16 sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital.

15 na katao pa ang patuloy na pinaghahanap.

Ayon kay Duque, 16 katao na ang naiulat na nasawi dahil sa naturang lindol.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Duque:

Read more...