Ito ay sa kabila ng panawagan ni Charge d’ Affaires Elmer Cato sa mga Filipino na may kamag -anak na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Libya na kumbinsihin na umuwi na ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa mga Filipino na sa Libya ang pagpapasya kung uuwi o hindi.
Base aniya sa inisyal na impormasyon na natanggap ng palasyo, may mga Filipino sa Libya ang nagsabi na ligtas pa naman sila.
Sakali aniyang magpasya ang mga Filipino na umuwi sa bansa, may nakahandang tulong na ibibigay ang gobyerno.
“If the situation is dangerous for them, they have to go home but according to those who want to stay, it’s not. Eh okay naman daw sa kanila,” ayon kay Panelo.
Base sa ulat, lumalala na ang sitwasyon ngayon sa tripolo dahil sa panggugulo ng militia na una nang nagpatalsik sa pwesto kay Libyan Prime Minister Moammar Gadhafi noong 2011.