Pitong taong pagkakakulong sa celebrity dermatologist na si Joel Mendez pinagtibay ng CA

Pinagtibay ng Court of Appeals ang 7-taong pagkakabilanggo sa tinaguriang celebrity dermatologist na si Joel Mendez.

Ito’y base sa desisyon ng dating Special Eight Division ng appellate court sa naunang hatol ng mababang hukuman kay Mendez na pitong taong pagkabilanggo sa kabiguan na i-remit ang nasa P1.8-milyong kontribusyon sa SSS ng kanyang mga empleyado.

Una nang inapela ni Mendez ang pagkatig ng CA sa hatol kung saan ikinatwiran nito na hindi siya naabisuhan ng kanyang abogado sa mga hearing schedules.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon, iginiit ng korte na gusto lamang ni Mendez na gamitin ang teknikalidad at walang kaugnayan sa kaso.

Aniya, tungkulin ng isang kliyente na palagiang makipag-ugnayan sa kanyang abogado kaugnay ng takbo ng kanyang kaso.

Sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court, pinagbabayad din si Mendez ng P1.8 milyon sa Social Security System para sa unremmited contributions mula October 2011 hanggang January 2013.

Naaresto ang doktor noong July 12, 2018 kaugnay ng kasong rape at attempted rape.

Read more...