Shawn Mendes may concert sa Pilipinas sa Oktubre

Magco-concert sa Pilipinas ang Canadian singer-songwriter na Shawn Mendes.

Magaganap ang concert ni Mendez sa bansa sa October 10, 2019.

Inihayag ni Mendes ang anunsyo sa kaniyang Instagram.

Isang poster ang ibinahagi niya sa kaniyang IG story kung saan nakasaad na gaganapin ang “Shawn Mendes The Tour” sa Mall of Asia Arena.

Huling nag-perform sa bansa si Mendes noong March 2017.

Read more...