6 na sundalo patay, 9 sugatan sa pakikipagbakbakan sa NPA sa Samar

Anim na sundalo ang nasawi habang siyam na iba pa ang sugatan sa sa engkwentro na naganap sa Samar.

Ayon sa inisyal na ulat ng Eastern Visayas Police, isang improvised explosive device ang pinasabog sa bayan ng Calbiga.

Martes ng umaga (Apr. 23) ay nagpapatuloy pa ang bakbakan sa pagitan ng mga pulis at mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Inaalam pa kung mayroong nasawi o nasugatan sa panig ng mga rebelde.

Read more...