7 katao nakuhang buhay sa gumuhong Supermarket sa Porac, Pampanga

DPWH Photo
Pito katao ang nakuhang buhay mula sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga kasunod ng magnitude 6.1 na lindol.

Kinumpirma ni Pampanga Governor Lilia Pineda na bandang alas-2:00 ng madaling araw nang makuha ang limang buhay kabilang ang isang babae na kinailangang putulin ang paa makaraang madaganan at maipit ng gumuhong pader.

May apat na bangkay din ang nakuha mula sa guho ng Chuzon supermarket na nasa bayan ng Porac.

Sa pagtaya ni Senior Supt. Samuel Tadeo ng Bureau of Fire Protection, may mga “sign of life”at naipit sa gumuhong gusali.

Nasa 30 katao ang pinaniniwalaang na-trap sa loob ng supermarket nang mangyari ang malakas na pagyanig.

Sa isang panayam, sinabi ni Porac Mayor Condralito Dela Cruz na apat na taon pa lamang ang supermarket na nasa ground floor ng apat na palapag na gusali.

Read more...