150,000 na pasahero naapektuhan ng pagsasara ng Clark Airport

Umabot sa 150,000 na mga pasahero ang naapektuhan ng pagsasara ng Clark International Airport matapos ang 6.1 magnitude na lindol sa Luzon kahapon.

Ayon kay Clark International Airport Corp. Pres. Jaime Melo, susubukan nilang magkaroon ng ang partial opening sa paliparan, pero hindi pa niya matiyak kung kailan.

Pero umaasa si Melo na bukas, araw ng Miyerkules (Apr. 24) ay maibabalik na sa normal ang sitwasyon sa Clark Airport.

Sa ngayon, lahat ng flights sa Clark Airport, domestic man o international ay kanselado pa rin ngayong araw.

Matinding pinsala aniya ang natamo sa departure area ng airport habang wala namang pinsala sa arrival area.

Humingi naman ng paumanhin si Melo sa lahat ng mga pasaherong naabala dahil sa pagsasara ng paliparan.

Read more...