WATCH: Van nagliyab habang binabagtas ang NLEX

Radyo Inquirer Photo | Ricky Brozas

Isang van ang nasunog habang binabagtas ang kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Balagtas, Bulacan.

Patungo ng Pampanga ang nasabing van na ayon sa driver ay bigla na lamang nagliyab.

Naramdaman umano niyang humina ang takbo ng sasakyan at pagkatapos ay umusok na at nagliyab sa bahagi ng Kilometer 31+200 ng NLEX Balagtas area.

Ligtas naman ang dalawang sakay ng van.

Read more...