Mahigit 400 aftershocks na ang naitala matapos ang 6.1 magnitude na lindol kahapon

DPWH Photo
Mahigit 400 aftershocks na ang naitala ng Phivolcs matapos tumama ang 6.1 magnitude na lindol sa Luzon kahapon.

Ayon sa Phivolcs, as of alas 7:00 ng umaga, 406 na ang naitalang aftershocks.

Sa nasabing bilang 8 lamang ang naramdaman.

Ang magnitude ng mga aftershocks ay nasa pagitan ng 1.4 hanggang 3.4.

Ayon sa Phiviolcs magpapatuloy pa ang mararanasang mga aftershock pero mahihina na lamang ang mga ito.

Read more...