Pangulong Duterte magtutungo sa Pampanga

Matapos ang magnitude 6.1 na lindol kahapon na tumama sa Luzon, magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pampanga.

Pangungunahan ng pangulo ang situation briefing sa naging epekto ng pagyanig kahapon.

Nais na personal na malaman ng pangulo ang lawak ng pinsala ng lindol.

Una rito ay inatasan ng pangulo ang mga gobernador sa mga apektadong lalawigan na tiyaking maaasistihan ang mga naapektuhang residente at agad isagawa ang assessment sa pinsala ng lindol.

Ang Pampanga ay labis na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Intensity VI ang naramdaman sa Floridablanca, Lubao, at Porac sa Pampanga gayundin sa Angeles City.

Read more...