Campaign rally ng PDP-Laban sa Bataan kinansela matapos ang lindol kahapon

Dahil sa nangyaring lindol kahapon, kinansela na ng PDP-Laban ang nakatakdang campaign rally alas 6:30 ng gabi mamaya (Apr. 23) sa Balanga, Bataan.

Dadaluhan sana ni Pangong Rodrigo Duterte ang naturang campaign rally.

Ayon sa PDP-Laban isasantabi muna nila ang pulitika sa halip ay tutulong muna sa mga nabiktima ng lindol.

Kanselado na rin ang regular press briefing ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo mamayang 11:30 ng umaga sa Malakanyang.

Read more...