Bahagi ng kalsada sa Teresa, Rizal nabarahan ng dalawang truck na nagbangaan

MDRRMO PHOTO
Nabarahan ang bahagi ng isang lansangan sa bayan ng Teresa sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa abiso ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office ng bayan ng Teresa, hindi nadaraanan ng mga sasakyan ang May-Iba Road kanto ng E.Rodriguez Avenue.

Ito ay dahil sa banggaan ng isang trailer truck at isang dump truck na bumara sa nasabing kalsada.

Dahil dito, ang mga paluwas Lunes ng umaga ay hindi nakadaan sa naturang lansangan at tanging motorsiklo lamang ang kakasya sa daan.

Pinayuhan na ang mga motorista na sa Binangonan Highway na lamang dumaan.

Read more...