Kuryente sa mga lugar na napinsala ng lindol naibalik na ayon sa NGCP

Nakumpleto na ang NGCP ang restoration ng kuryente sa lahat ng lugar na naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol kahapon.

Ayon sa abiso ng NGCP, balik na sa normal ang operasyon ng power transmission sa Central Luzon.

Lahat ng mga nawalan ng kuryente kahapon ay mayroon na muling suplay ngayong umaga.

Alas 4:39 ng umaga ay normal na ang suplay ng kuryente matapos na mapatakbo na ang Hermosa-Guagua 69kV Line.

Tiniyak ng NGCP sa publiko na patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon at handang tugunan kapag mayroon pang magkakaproblemang transmission.

Read more...