Luzon grid muling isinailalim sa yellow at red alert ngayong maghapon

Muling isinailalim sa yellow at red alert ang Luzon Grid ngayong maghapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at mula alas 4:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.

Red alert naman mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ayon sa NGCP, mayroong available capacity ng kuryente ngayong araw na 10,576 megawatts habang aabot sa 10,536 megawatts ang peak demand.

Dahil dito, pinaghahanda na ang mga residente sa Luzon sa posibleng pagkakaroon ng rotational brownout, lalo na sa mga oras na nakataas ang red alert.

Read more...