Pasok sa mga korte sa Metro Manila at Central Luzon sinuspinde ng Korte Suprema ngayong araw

Suspendido na ang pasok sa mga korte sa Metro Manila at Central Luzon ngayong araw, April 23.

Sa abiso ng Supreme Court – Public Information Office, ito ay dahil sa posibleng naging epekto ng malakas na lindol kahapon sa mga pasilidad ng mga korte.

Ayon sa SC, isasailalim muna sa inspeksyon ang mga gusali para matiyak na walang naging pinsala sa mga ito at ligtas pa ring gamitin.

Para sa iba pang lugar na naapektuhan ng malakas na lindol kahapon, ipinaubaya ng SC ang pagdedeklara ng suspension sa mga executive judge.

Read more...