Phivolcs nagpalabas ng panibagong impormasyon sa lindol na tumama kahapon; Intensity VI naitala ilang lugar sa Zambales at Pampanga

Phivolcs photo

Nagpalabas ng updated information ang Phivolcs sa lakas at dami ng mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Zambales kahapon.

Sa earthquake information number 3 na inilabas ng Phivolcs alas 12:55 ng madaling araw kanina (Apr. 23) Intensity VI ang pinakamalakas na naramdamang lindol.

Naitala ito sa sumusunod na lugar:
• San Marcelino at Subic, Zambales
• Floridablanca, Lubao, at Porac sa Pampanga
• Angeles City
• Olongapo City

Intensity V naman ang naitala sa:
• Castillejos at San Felipe, Zambales
• Magalang, Mexico, at San Fernando, Pampanga
• Abucay, Balanga, at Mariveles, Bataan
• Malolos at Obando, Bulacan
• Indang, Cavite
• Lipa City
• Makati City
• Mandaluyong City
• Manila City
• Quezon City
• Pasay City
• San Juan City
• Taguig City
• Tarlac City
• Valenzuela City

Intensity IV sa:
• Meycauayan, Plaridel, at San Jose Del Monte, Bulacan
• San Rafael, Tarlac
• Rosales at Villasis, Pangasinan
• Itogon at La Trinidad, Benguet
• Kasibu, Nueva Vizcaya
• Gabaldon, Nueva Ecija
• San Mateo, Rizal
• Bacoor, Imus, at Maragondon, Cavite
• Nasugbu, Batangas
• Antipolo City
• Baguio City
• Caloocan City
• Las Piñas City
• Marikina City
• Pasig City
• Tagaytay City

Intensity III sa:
• Marilao, Bulacan
• Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija
• Maddela, Quirino
• Dingalan, Aurora
• Lucban, Quezon
• Santa Cruz, Laguna
• Carmona, Dasmariñas, General Trias, at Silang, Cavite
• San Nicolas at Talisay, Batangas
• Cabanatuan City
• Calamba City
• Gapan City
• Muntinlupa City
• Palayan City

At Intensity II sa Baler, Aurora.

Read more...