Pasok sa tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila sinuspinde ng Malakanyang

Matapos ang malakas na lindol kahapon, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila ngayong araw, April 23.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea ito ay base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Upang kahit papaano ay mabawasan umano ang publikong gagamit ng mass transport system.

Inatasan naman ni Pangulong Durterte ang mga gobernador sa mga lalawigang naapektuhan ng lindol na i-assess ang pinsala sa kanilang lugar at gumawa ng aksyon para matiyak ang kaligtasan ng ng kanilang mga residente.

Read more...