MRT, LRT lines 1 at 2 balik-operasyon ngayong araw matapos ang lindol kahapon

Balik-operasyon na ngayong araw ang MRT-3, LRT-1 at LRT-2.

Ito ay matapos ang malakas na pagyanig na naramdaman sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan kahapon dahil sa magnitude 6.1 na lindol.

Sa abiso ng MRT-3, matapos ang isinagawang asssessment walang anumang structural defects na nakita sa lahat ng istasyon ng tren at kanilang mga riles.

Wala ding nakitang pinsala sa LRT lines 1 at 2 kaya tuloy din ang operasyon nito.

Kahapon ng hapon, matapos ang malakas na pagyanig ay minabuting itigil na lamang muna ang operasyon ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2 para isailalim muna sa inspeksyon ang mga pasilidad.

Ito ay upang matiyak na walang naidulot na pinsala ang sa mga train system ang pagyanig.

Read more...