Rescue operation patuloy para sa mga natrap sa gumuhong supermarket sa Pampanga

Credit: Office of Speaker GMA

Patuloy ang search and rescue operation para sa 30 katao na pinaniniwalaang natrap sa Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga kasunod ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon Lunes ng hapon.

Hanggang alas 2:00 Martes ng madaling araw ay nasa limang katao na ang nailigtas at dinala sa mga ospital.

Ilan sa mga ito ang nagtamo ng matinding pinsala at nasa state of shock.

Ayon sa mga otoridad, isang babae ang naputol ang paa matapos maiipit sa isa sa 4 na palapag ng supermarket.

Una nang sinabi ni Pampanga Governor Lilia Pineda na sampu ang nasawi sa pagyanig.

Nakatakda ring ilagay sa state of calamity ang lalawigan dahil sa pinsala ng lindol sa mga bayan ng Porac at Lubao.

Samantala sinabi ni Police Colonel Samuel Tadeo ng Bureau of Fire Protection, may senyales pa ng buhay sa loob ng supermarket.

Mayroong sapat na tauhan at gamit ang mga otoridad para sa nagpapatuloy na paghahanap sa mga nakaligtas sa lindol.

Read more...