Pero sinabi ni Kris na handa siyang sumugal kung ang makakalaban niya ay isang Marcos.
“Ayoko pong upakan niya ako. Sorry ah, ito yung honest (I don’t want her to punch me. Sorry, but this is honest). I don’t see myself in a position of going against her because I find the narrative so wrong,” ani Aquino.
Paliwanag ng actress-host, mali na pinaglalaban sila ni Mayor Sara dahil wala itong dahilan.
Ipapaubaya ni Tetay kay Inday Sara ang pagtakbo bilang Pangulo kung ito ang desisyon ng alkalde dahil hindi naman anya sila magkaaway.
Iginiit pa ni Kris na maski noong nakaupo pa ang kanyang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino ay walang isyu sa pagitan nila ni Sara.
Sinabi pa ng queen of all media na wala namang matinding mura na sinabi si Mayor Sara laban sa kanyang kuya.
Gayunman ay hindi sinabi ni Kris kung sinong Marcos ang handa niyang kalabanin bilang Pangulo.