Magnolia tinabla ang semis series kontra Rain or Shine

PBA Images

Dinomina ng Magnolia ang laro at tinabla ang PBA Philippine Cup semifinals series kontra Rain or Shine sa laban Lunes ng gabi sa score na 94-91.

Tabla na sa  tig 2 panalo ang Hotshots at Elasto Painters matapos ang Game 4.

Sa pangunguna nina Paul Lee, Ian Sangalang at Mark Barroca, kinontrol ng Magnolia ang laro sa umpisa pa lamang.

Ayon kay Coach Chito Vitolero, ginamit ng kanyang players ang lakas at pagiging agresibo para manalo.

Pinangunahan naman nina James Yap at Maverick Ahanmisi ang laban ng Rain or Shine.

Gumawa si Sangalang ng 19 points, si Lee ay 15 points habang si Barroca ay 11 points.

Muling magsasagupa ang 2 koponan bukas Miyerkules para sa Game 5 ng kanilang serye.

Read more...