Palasyo: Otso Diretso dapat magpasalamat kay Pang. Duterte

Dapat na magpasalamat ang mga taga Otso Diretso kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagbanggit sa kanilang mga pangalan sa mga campaign rally na isinasagawa ng PDP-Laban sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit na batikos ang inaabot ng mga taga oposisyon, natutulungan pa rin sila ng Pangulo dahil nagkakaroon ng name recall sa mga botante.

Kabilang sa mga binabatikos ng Pangulo sina Senatorial candidates Romulo Macalintal na umanoy abogado lamang ng mga mayayaman, Gary Alejano na wala umanong ginawa kundi ang mag kudeta, dating Solicitor General Florin Hilbay na isa umanong bakla, Chel Diokno na umanoy walang nagawa at walang match sa tatay nitong si dating Senador Jose Diokno, Mar Roxas na umanoy nagpahamak sa SAF 44, Erin Tañada na umanoy abogado ng mga rebelde, Bam Aquino na wala umanong nagawa, at si Samira Gutoc.

Ayon kay Panelo, maaari aniyang naawa si Pangulong Duterte sa Otso Diretso dahil sa mababang rating kaya paulit ulit na binabanggit ang kanilang mga pangalan sa mga public engagement ng punong ehekutibo.

Read more...