Emilio Aguinaldo College sa Maynila, napinsala ng lindol

MPD photo

Napinsala ang bahagi ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa United Nations Avenue sa Maynila kasunod ng lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nasira ang bahagi ng ikaanim na palapag ng EAC.

Bumagsak ang debris sa pagitan ng mga gusali ng kolehiyo at United Nations.

Dahil dito ay pansamantalang isinara ang San Marcelino Street sa kanto ng UN Avenue.

Kasabay ng magnitude 6.1 na lindol, na ang episentro ay sa Zambales, naitala ang Intensity V sa lungsod ng Maynila.

Dahilan ito para kanselahin ang pasok sa mga klase sa lahat ng antas sa Maynila ngayong Martes April 23 para masuri ang gusali ng mga eskwelahan.

Read more...