Nawalan ng tirahan ang 30 pamilya sa sunog sa Malate, Manila Lunes ng gabi.
Nasa sampung bahay ang natupok sa sunog sa Leveriza Street.
Ayon sa Manila Fire Department Intramuros Station, nagsimula ang apoy alas 8:00 ng gabi at itinaas sa ikalawang alarma bandang 8:57 ng gabi.
Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil masikip ang kalsada.
Dahil dito ay nagtulong-tulungan ang mga residente para patayin ang sunog.
Iniimbestigahan ng mga bumbero ang impormasyon na nagsimula ang sunog sa isang boarding house dahil umano sa alitan ng land lady at mga umuupa.
Inaalam din ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian gayundin kung may koneksyon ito sa lindol sa Zambales kung saan ang Manila at Quezon City lamang ang mga lugar sa Metro Manila ang inilagay ng Phivolcs sa Intensity V.