Palasyo hinimok ang publiko na maging kalmado pero mapagmatyag kasunod ng lindol

Hinikayat ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado pero mapagmatyag matapos ang malakas na lindol sa maraming lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa pamamagitan ng Phivolcs ay minomonitor ng Palasyo ang lindol na tumama sa Zambales at nakaapekto sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Tiniyak ng gobyerno na nakatugon ang kaukulang mga ahensya at tinutulungan ang mga naapektuhang katao.

Mayroon na anyang ugnayan ang mga tauhan mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD), Philippine National Police (PNP) at mga apektadong lokal na pamahalaan.

Dagdag ni Panelo, naka full alert ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Energy (DOE) para tugunan ang mga problema sa transportasyon at supply ng kuryente.

Nanawagan din ang kalihim sa publiko na huwag magkalat ng maling impormasyon sa social media na magdudulot ng alarma, panic at pag-aalala sa maraming katao bagkus kailangan anya ang kooperasyon at tulungan ng bawat isa.

Read more...