Ilang Cebu Pacific flights, kinansela ngayong Lunes ng gabi

Kinansela ng Cebu Pacific ng ilang biyahe dahil sa naramdamang malakas na lindol, Lunes ng hapon.

Sa abiso ng Cebu Pacific, anim na biyahe ang kanilang kinansela na nakatakda sana sa Lunes ng gabi.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng mga sumusunod na biyahe:
– 5J 120 Clark-Hong Kong
– 5J 121 Hong Kong-Clark
– 5J 370 Clark-Macau
– 5J 371 Macau-Clark
– 5J 608 Clark-Cebu
– 5J 609 Cebu-Clark

Sinabi naman ng airline company na maaaring mag-rebook o mag-refund ang mga pasahero sa kanilang mga biyahe.

Photo grab from Cebu Pacific Facebook
Read more...