Operasyon ng PNR, suspendido na rin dahil sa tumamang lindol

Photo grab from PNR-DOTr

Nagsuspinde na rin ang Philippine National Railways (PNR) ng operasyon hanggang Lunes ng gabi.

Ito ay kasunod pa rin ng naitalang magnitude 6.1 na lindol sa Zambales.

Sa kanilang official Twitter account, nag-abiso ng suspensyon si PNR General Manager Junn Magno bandang 6:24 ng gabi.

Aniya, nag-deploy na ng team para suriin kung may nasira sa kanilang tracks at bridge sa Governor Pascual, Tutuban patungong Calamba.

Read more...