Kisame at dingding ng Clark Airport nasira ng malakas na lindol

@lancelauren

Kasunod ng naganap na 6.1 magnitude na lindol ay unti-unti nang nakatatanggap ng report ang ilang local officials sa mga lugar na dumanas ng lindol.

Bumigay ang kisame at bahagi ng dingding ng Clark International Airport kaya kaagad na pinaalis ang ilang mga pasahero sa lugar.

Sa ulat naman na natanggap ng Department of Transportation, sinabi ni Asec. Goddess Hope Libiran na kaagad na isinailalim rin sa inspeksyon ang lahat ng pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Walang naitalang pinsala sa NAIA at binigyan ng go signal ang operasyon para sa take-off at landing ng lahat ng mga eroplano.

Ilang minuto makaraan ang lindol ay ipinag-utos rin ni DOTr Sec. Art Tugade ang pagtigil sa operasyon ng lahat ng mga train ng PNR, MRT at LRT.

Read more...