Matapos i-ban ang lahat ng provincial buses, susunod na target naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga city buses sa buong kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, hindi magpapatupad ng ban sa mga city bus.
Sa halip, paiigtingin ng mga batas-trapiko at magtatalaga ng tamang loading at unloading zone.
Maliban dito, maglalagay din aniya ng bakod sa kahabaan ng EDSA para hindi makahinto basta-basta ang mga bus.
Umaasa aniya ang MMDA na maipatupad ang naturang polisiya sa susunod na mga buwan ngayong taon.
Sinimulan ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA ngayong araw ng Lunes.
MOST READ
LATEST STORIES