Inihayag ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na layon lang manipulahin ng administrasyong Duterte ang publiko.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Malacañang ang matrix na nag-uugnay sa ilang mamamahayag at media organizations sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kaniyang Twitter, sinabi ni Ressa na hindi maganda ang pagsisinungaling ng gobyerno sa pamamagitan ng paglalabas ng bayad na PR.
Maliban sa Rappler, kabilang din sa destabilization plot ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at Vera Files.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na galing sa ilang mga sources mula sa abroad ang nasabing matrix.
MOST READ
LATEST STORIES