San Luis, Agusan Del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng San Luis sa lalawigan ng Agusan Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 4 kilometers Southwest ng bayan ng San Luis, alas-9:31 umaga ng Lunes, April 22.

May lalim na 52 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala naman naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...