Patay sa serye ng pag-atake sa Sri Lanka umabot na sa 290

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa serye ng pag-atake sa Sri Lanka.

Sa pinakahuling datos ng mga otoridad umabot na sa 290 ang bilang ng mga nasawi at 500 naman ang nasugatan.

Wala pa ring grupong umaako sa pag-atake sa mga simbahan at mga hotel sa Colombo na nangyari, Easter Sunday.

Nagpatawag na rin umano ng pulong sa national security council si Sri Lankan President Maithripala Sirisena.

Dadalo sa nasabing pulong si Prime Minister Ranil Wickremesinghe.

Read more...