Matapos ang pag-atake sa Sri Lanka, publiko hinimok ng NCRPO na maging mapagmatyag

Simulation Exercise sa MRT-3 | DOTr Photo

May mga hakbangin at paghahanda ang pulisya sa mga insidente ng pag-atake ng mfa terorista.

Pahayag ito ni National Capital Region Police Office chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng serye ng pag-atake sa Sri Lanka.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar, sunud-sunod ang simulation activities ng NCRPO nitong nagdaang mga linggo para matiyak ang kahandaan ng mga otoridad kapag may nangyari na mga pag-atake.

Kaugnay nito, hinimok muli ni Eleazar ang publiko na maging mapagmatyag at mapagbantay sa kapaligiran.

Anuman aniyang kahina-hinalang bagay, o kapag may kahina-hinalang indibidwal ay dapat agad ipagbigay-alam sa mga otoridad.

Read more...