Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, umabot sa 91,660 na mga pasahero ang bumiyahe sa mga pantalan sa bansa mula alas 6:00 ng gabi ng Linggo (apr. 21) hanggang alas 6:00 ng umaga kanina (Apr 22).
Ang mga pantalan sa Central Visayas ang nakapagtala ng pinakamaraming outbound passengers na umabot sa 23,857.
Pinakamaraming pasahero ay sa pantalan sa Cebu at Bohol.
Samantala, nakapagtala din ng maraming pasahero ang sumusunod na mga pantalan sa bansa:
National Capital Region-Central Luzon – 1,419
Southern Tagalog – 21,252
South Western Mindanao – 2,783
Western Visayas – 13,156
South Eastern Mindanao – 3,157
Bicol – 4,891
Northern Mindanao – 11,733
Eastern Visayas – 8,042
Southern Visayas – 6,952
Magpapatuloy ang monitoring ng coast guard sa ilalim ng kanilang “OPLAN BYAHENG AYOS: Semana Santa 2019″.