40 Filipino sa Libya nais umuwi ng Pilipinas – DFA

Tinatayang aabot sa 40 mga Pinoy sa Libya ang nais nang makauwi ng bansa bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Tripoli.

Ayon kay Philippine Embassy Charge d’Affaires Elmer Cato, ang nasabing bilang ng mga Pinoy ay humingi na ng tulong sa Embahada ng Pilipinas para sila ay maasistihang umuwi.

Pero ayon kay Cato marami pa rin ang tumatangging umuwi at mas piniling manatili doon.

Nasa 1,000 Filipinos aniya ang tumangging magpa-repatriate at hinihintay na humupa ang sitwasyon.

Karamihan sa kanila ay mga beterano.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Cato sa mga Filipino sa Libya na i-avail ang alok na repatriation program ng pamahalaan.

Read more...