Konstruksyon ng bagong tulay sa Basco, Batanes nakumpleto na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng bagong tulay sa Basco, Batanes.

Ang San Antonio Bridge sa Basco ay ginastusan ng P7,589,999 million ng pamahalaan.

Ayon kay DPWH District Engineer Rommel E. Fabi, ang bagong tulay na mayroong habang 9 meters ay magsisilbing integral link mula Barangay San Antonio patungo sa iba pang island town ng Basco at pabalik.

Makapagbibigay aniya ito ng mas mabilis at ligtas na biyahe sa mga reisdente at turista sa lugar.

Nagsimula ang konstruksyon ng tulay noong March 20, 2018 at natapos ng mas maaga kaysa sa target na schedule.

Ang pondo sa proyekto ay mula sa General Appropriations Act of 2018.

Read more...