Acierto maaring makasuhan ng high treason dahil sa pagbebenta ng armas sa NPA

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maaring makasuhan ng high treason si dating Police Colonel Eduardo Acierto dahil sa pagbebenta ng AK47 na armas sa New People’s Army.

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Agusan Del Norte, sinabi nito na mabigat na kaso ang maaring kaharapin ni Acierto dahil ang mga armas na para sana sa government security forces ay ibinenta sa mga kalaban ng estado.

Bwelta pa ng pangulo, si Acierto pa ang may lakas ng loob na magpakalat ng mga black propaganda laban sa kanya sa pamamagitan ng paglalabas ng video na nagdadawit pa sa kanyang bunsong anak na si Veronica na isa umanong drug lord.

Ayon sa pangulo, maghintay lamang ang kanyang mga kritiko pati na ang PCIJ o Philcenter for Investigative Journalism dahil may ilalabas siyang baho o mga pasabog.
Ayon sa pangulo galing sa ibang bansa ang kanyang mga impormasyon na isasambulat niya ngayong araw.

Dagdag ng pangulo, hindi niya alam kung saan galing ang impormasyon bastat dumating na lamang sa kanyang lamesa sa Malakanyang.

Hindi aniya lenggwahe ng Filipino ang intelligence report.

Read more...