Provincial buses pinayagan pa sa EDSA sa kabila ng dry run sa pagpapatupad bus ban ngayong araw

Hindi pa muna inobliga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na huwag dumeretso sa EDSA.

Sa isinagawang dry run ngayong Lunes, Apr. 22, hinikayat lamang ng MMDA ang mga provincial bus na makilahok sa dry run at gamitin ang terminal ng Valenzuela at Sta. Rosa City sa Laguna.

Pero sinabi ni MMDA Special operations head at EDSA traffic czar Bong Nebrija sa panayam ng Radyo Inquirer, bilang bahagi ng dry run naging mahigpit naman sila sa mga provincial bus na nagbababa at nagsasakay sa EDSA.

Target ng MMDA, sa June 2019 ay paipatupad na ng tuluyan ang provincial bus ban sa EDSA.

Sa ilalim ng sistema, ang mga terminal ng provincial buses na nasa kahabaan ng EDSA ay ipasasara at ang kanilang mga pasahero ay sa terminal sa Sta. Rosa at Valenzuela sasakay at bababa.

Sa datos ng MMDA, nasa 3,500 na mga bus ang dumadaan sa EDSA.

Read more...