LOOK: Water level sa mga dam sa Luzon, ngayong araw, Apr. 22

Patuloy na nababawasan ang water level ng mga dam sa Luzon.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, ngayong araw April 22 nasa 182.97 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito ng .58 meters kumpara sa 183.55 meters na water level nito kahapon (Linggo, Apr. 21).

Bahagya ding nabawasan ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.51 meters, mula sa 68.52 meters kahapon.

Wala namang nabawas sa water level ng Ipo dam na nanatili sa 100.99 meters.

Nadagdagan naman ang water level ng Binga dam, Magat dam, at Caliraya dam.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ambuklao dam, San Roque dam, at Pantabangan dam.

Read more...