2 patay, 4 na turista dinukot sa isang resort sa Nigeria

Patay ang isang British aid worker at isang NIgerian matapos ang insidente ng pamamaril at kidnapping sa isang resort sa Nigeria.

Isa sa mga nasawi ay kinilala ng mga otoridad na si Faye Mooney na isang communications at learning specialist.

Si Mooney ay nagtatrabaho sa Mercy Corps bilang aid worker.

Inatake ng mga armadong lalaki ang Kajuru Castle Resort sa Kaduna City.

Nagpaputok ang mga suspek na ikinasawi ng dalawa at saka tinangay ang apat na turista.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga otoridad para masagip ang mga biktima.

Read more...