Eastern Samar at Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Taft sa lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ng pagyanig sa 12 kilometers Southwest ng bayan ng Taft, ala-1:53 umaga ng Lunes, April 22 at may lalim na 34 kilometers.

Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Tarragona sa lalawigan ng Davao Oriental.

Naitala naman ang pagyanig sa 137 kilometers Southeast sa bayan ng Tarragona alas-2:09 ng umaga at may lalim na 17 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang lindol, wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...