Ilaw ng Eiffel Tower pinatay bilang pakikiramay sa Sri Lanka

Nagdilim ang Eiffel Tower sa Paris simula alas 12:00 ng madaling araw doon alas 6:00 ng umaga naman oras sa Pilipinas.

Ito ay bilang pakikiramay sa mga nasawi sa serye ng pag-atake sa Sri Lanka.

Sa post sa official Twitter account ng Eiffel Tower, ibinahagi ang larawan ng pasilidad at mayroong hashtag na Sri Lanka.

Mayroong iba’t ibang lahi ang kasama sa mga nasawi sa serye ng pagsabog kabilang na ang ilang US at British nationals.

Read more...