PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Apr. 22

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Valenzuela at Makati.

Sa abiso ng Meralco, sa Valenzuela City, mawawalan ng kuryente mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon mamaya.

Maapektuhan nito ang maraming lugar sa Brgy. Canumay West.

Samantala, sa Makati naman, alas 11:30 ng gabi mamaya, hanggang alas 2:30 ng madaling araw bukas ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Brgy. Comembo.

Magpapalit ng poste ang Meralco sa bahagi ng Apitong Street sa naturang barangay.

Read more...