Mainit at maalinsangang panahon mararanasan sa buong bansa ngayong araw – PAGASA

Malaking bahagi ng bansa ang apektado pa rin ng easterlies ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, dahil sa easterlies, ang Bicol Region, buong Visayas at buong Mindanao ay makararanasng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Ang mga biglaan at panandalian na malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha.

Samantala sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin din ang mararanasan dulot ng localized thunderstorms.

Babala ng PAGASA, mainit at maalisangang panahon pa rin ang mararanasan sa bansa ngayong maghapon.

Read more...