Lalaki arestado sa pagtakbo sa riles ng MRT-3

Inaresto ng security personnel ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) at ng mga pulis ang isang lalaking tumakbo sa riles ng train line.

Ayon sa ulat ng MRT-3, ang lalaki ay nakilala sa pangalang Guevara Soledad.

Unang namataan si Soledad na tumatawid sa footbridge malapit sa Kamuning road bandang alas-5:00 ng hapon.

Ilang sandali lamang ay tumalon ito sa riles ng MRT-3 at tumakbo patungo sa northbound section ng Quezon Avenue Station.

Nangyari ang insidente sa huling araw na walang operasyon ang MRT-3 dahil sa week-long general maintenance activities nito.

Kasalukuyang nakaditene si Soledad sa Kamuning Police Station.

Samantala, balik na ang normal na operasyon ng MRT-3 maging ang Light Rail Transit Lines 1 and 2 (LRT-1 at LRT-2) ngayong araw ng Lunes, April 22.

Read more...