Sumiklab ang sunog sa isang gubat sa Tagkawayan, Quezon Sabado ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Tagkawayan, nagsimula ang sunog alas-9:00 ng gabi sa bahagi ng Barangay San Vicente.
Nahirapan ang mga bumbero na patayin ang apoy dahil mas pinalaki ito ng malalakas na hangin.
Pasado alas-11:00 ng gabi nang tuluyang maapula ang apoy na tumupok sa tatlong ektarya ng lupain.
Maswerte namang hindi na umabot pa ang sunog sa mga residential areas sa lugar.
Inaalam na ng mga bumbero ang sanhi ng insidente at kasalukuyang binabantayan nang mahigpit ang lugar upang maiwasan ang panibagong insidente ng sunog kasabay ng mainit na panahon.
MOST READ
LATEST STORIES